PAGBAGSAK NG PINAS SA ASEAN INVESTMENT, ISINISI SA PANALO NI BBM?

IBANG klase talaga itong mga tao na ayaw tumanggap ng ­pagkapanalo ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.,(BBM), pati ba naman ang pagbagsak ng Pilipinas sa listahan ng ASEAN investment ay isinisisi nila sa batang Marcos.

Kundi ba naman mga ungas! Itong mga nakaka-high blood na walang mga kwentang tao na lahat na lang ng negatibo ay ibinabato nila kay BBM.

Ayan, nagsabi na ang American financial services giant J.P. Morgan na mali ang iniulat ng ilang media ukol sa pagbagsak ng Pilipinas sa investment list ng Southeast Asian na isinisi sa landslide victory ni BBM laban kay Leni Lugaw este Robredo pala, nitong katatapos na eleksyon noong Mayo 9.

Nilinaw ni Patricia Anne ­Javier-Gutierrez, Executive Director, Philippines Heads of Communications ng J.P. Morgan, na mali ang ulat ng ilang media na ang pagbagsak ay dulot umano ng resulta ng eleksyon.

“Our views on the Philippines are driven by long term global and local macroeconomic fundamentals, and not by election results or outcomes in general,” ani Gutierrez.

Ibinigay ang kanilang ­pahayag, matapos kumalat ang ulat sa mga kaalyadong media ng kampo ni Leni Robredo, na ang pagbagsak umano ng Pilipinas ay bunsod ng pagkapanalo ni Marcos.
“As stated in our May 8 Philippine Strategy report, we think the Philippines faces a challenging macroeconomic outlook post 2022 regardless of the outcome of the May 2022 presidential elections,” ayon sa pahayag.

Iginiit pa ng J.P. Morgan na ang kanilang pahayag ay isinagawa bago pa lumabas ang resulta ng halalan kaya agad silang nagpadala ng paglilinaw sa media.

“We further say in our report that re-opening benefits are expected to underpin strong 2022 GDP and earnings growth but this benefit will likely wane in 2023, underscoring the macro challenges faced in the future,” dagdag pa ng pahayag.

Kaya tuloy ang taumbayan ay bihira nang nanonood ng ­telebisyon, sila mismo ang nagpapagamit sa mga kasinungalingan ng ilang tao.

Ang kakapal talaga ng face n’yo! Ayaw n’yong aminin na mali ang inyong estratehiya kaya hindi kayo kinagat ng mga Pilipino.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa history ng pulitika sa Pilipinas, ngayon lang nagkaroon ng “Majority President”.

‘Di ba sabi n’yo mga matatalino kayo, alam n’yo ba ang ­”Majority President”?

Sa 31 million plus na bumoto kay BBM, nagtataka pa kayo na siya ang nanalo.

Ibig sabihin, niyakap ng taumbayan ang panawagan ni BBM na pagkakaisa.

Paano kakagatin ang inyong pangangampanya kung puro paninira laban kay BBM?

Sawa na ang taumbayan sa ganyang estratehiya dahil ‘yan ang pinagmumulan ng pagkakahati-hati ng mga Pilipino.

Imbes na plataporma ng kandidato n’yo (Leni) ang inyong sabihin sa kinakampanya n’yo, ay puro paninira kay BBM ang ginawa nyo.

Nariyan na ang sabihin n’yong magnanakaw, hindi nagbabayad ng buwis, masama ang ugali at marami pang iba.

Kanino nag-backfire ang mga sinabi n’yo? ‘Di ba sa kandidato n’yo?

Ngayon dahil talo, kayo ayaw n’yo pang tanggapin.

Kung ayaw n’yong tumanggap ng pagkatalo, gumawa kayo ng sarili n’yong bansa para gawing n’yong presidente si Leni Lugaw este mali uli sori, habang gusto niya.

Ay naku! Kung gusto n’yo pang manirahan sa nag-iisa ­nating bansa na Pilipinas, move on na kayo at tanggapin n’yo na talo na kayo.

Patakbuhin niyo uli sa susunod na presidential election ang ina n’yo!

‘Yan ay kung oobra siya kay Inday Sara, bye!

oOo

Para sa suhestiyon at ­reaksyon mag-email sa joel2amongo@yahoo.com at mag-text sa cell# 0916-441-71-63.

160

Related posts

Leave a Comment