2 NASAKOTE NG CIDG SA SANGLA-KOLEKTA SCHEME

ARESTADO ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group –Regional Field Unit – NCR ang dalawa katao na sangkot sa “sangla kolekta” scheme sa Pasay City noong Biyernes.

Nabatid sa ulat ni ni CIDG-RFU-NCR Director Police Colonel Randy  Glenn Silvio kay PNP-CIDG chief, Police Maj. General Eliseo  DC Cruz, kinilala ang mga suspek na sina Jeanette de Leon y Delos Poyos, 43, jobless, ng Guadalupe Viejo Makati City, at Anna Carmela Poral, 37, corporate secretary at residente ng San Antonio Valley Paranaque City.

Habang tinutugis naman ng mga awtoridad ang dalawa pang umano’y kasabwat ng mga suspek na sina Maria Angela Tolentino, residente ng Guadalupe Viejo Makati City, at Baby Datu y Almirante, ng Barangay Hulo, Mandaluyong City.

Ang pag-aresto sa dalawang suspek ay nag-ugat sa reklamo sa mga suspek kaugnay isinasagawa ng mga ito na Sangla Kolekta scheme na bumiktima ng mga indibidwal sa pamamagitan ng pekeng titulo ng mga lupain at condominium.

Sa isinagawang beripikasyon sa Registry of Deeds, nabatid na peke ang mga dokumentong iprinesenta ng mga suspek sa mga biktima.

Nabatid din na dati nang nadakip sa estafa at may ilang mga kaso ang mga suspek sa kaparehong paglabag na kasalukuyang nakabinbin sa korte.

Bilang tugon sa reklamo, nagsagawa ang mga operatiba ng SMMDFU ng entrapment operation na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek na sina De Leon at Poral at nakumpiska sa kanila ang mga pekeng dokumento.

Nabatid pa na ang arestadong mga suspek ay mga miyembro ng Aya estafa criminal group sa ilalim ng IR number NCRCIDU SMM-22-02-003 na sangkot sa estafa and scamming activities at nag-o-operate sa southern part ng Metro Manila.

Ang mga suspek na nasa kustodiya ng CIDG, ay nahaharap sa mga kasong sa estafa, falsification, BP 22 at grave threats.

267

Related posts

Leave a Comment