Supporters ni Robredo tuloy sa paninira kay BBM VICTORY PARTY SA AMANPULO FAKE NEWS

WALANG katotohanan ang mga umiikot sa social media na ipinasara ng kampo ni  incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang Amanpulo resort sa Palawan para sa kanilang victory party.

Agad naglabas ng paglilinaw si Katrina Razon, anak ng multi-billionaire na si Ricky Razon, matapos pag-usapan ng mga netizen ang ‘magarbo’ umanong victory party.

Ayon sa tweet ni Katrina gamit ang Twitter account na @KatrinaRazon, walang katotohanan ang ipinapakalat na balitang ipinasara ni Marcos ang Amanpulo para sa victory party.
“Claims of a buyout and victory party at Amanpulo are false. Verified and confirmed. We need to stop misinformation and disinformation from spreading regardless of which political candidate you support,” sabi pa ni Katrina.

Dahil sa ginawang ito ni Katrina, tumahimik at napahiya ang mga tagasuporta ng natalong si Vice President Leni Robredo.

Talo na, nanggugulo pa!

Ito ang karamihan sa reaksiyon ng netizens hinggil sa walang humpay na pagpapalabas anila ng fake news ng kampo ng mga talunan.

Sa pinakahuling paninira ng mga tinaguriang pinklawan, ipinareserba umano ni Marcos ang buong Amanpulo Island para doon ganapin ang victory party ng BBM-Sara UniTeam.

Layunin nito na sirain ang imahe ni BBM at palabasin na nagkamali ng pagboto ang 31 milyong Pilipino na nagtiwala sa kanya, at akusahan siya ng pagiging maluho na hindi nakakaunawa sa kalagayan ng maraming mahihirap na Pilipino.

“From my inbox: BBM has booked the whole island of Amanpulo for his victory party. The days of Imeldific yore and opulence are back,” sabi ng isang dilawan na si Audie Gemora sa kanyang Twitter account na @GemoraAudie.

Si Gemora, ay pasimuno ng mga ‘flash mob’ sa political campaign ng talunang si Robredo.

Dahil dito, galit na galit ang mga netizen na bahagi ng 31 milyon Pilipino na bumoto kay BBM dahil lumilitaw na ayaw talagang tumigil ng mga dilawan para sirain at pasamain sa social media si Marcos.

“Sanay kasi si silang manira ng kapwa. Kaya lahat ng fake news ginagawa nila! Ayaw pang tanggapin na talo na si Lenlen ay naninira pa sila!” sabi ni netizen Rodel Acosta.
Sinasabing isa ang pamilya Razon sa mga may-ari ng Amanpulo Resort sa Pamalican Island sa Palawan. (SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

175

Related posts

Leave a Comment