NASAWATA ng militar ang planong paghahasik ng karahasan ng grupo ng Dawlah Islamiyah-Turaife Group na pinamumunuan ni Esmael Abdulmalik alyas “Abu Turaifie”, sa isang komunidad sa Sitio Patawali, Brgy. Ganta, Datu Salibo, Maguindanao nang matiktikan sila ng mga sundalo
Ayon kay BGen. Eduardo Gubat, acting commander ng 6ID at JTF Central, natiktikan ng mga tauhan ng pamahalaan ang planong paghahasik ng kaguluhan ng Dawlah Islamiyah-Turaife Group sa mga residente sa nasabing lugar kaya mabilis na nagsagawa ng tactical operation ang mga sundalo na nauwi sa matinding sagupaan
“Our troops from 6th Infantry (Redskin) Battalion under Lt. Col. Charlie Banaag, responded immediately to secure the populace from this terrorist group. Also, field artillery conducted indirect fire aimed at the place where they were hiding.
Their forces were further weakened after close air support was conducted in the right place of the target. This happened because we do not want to disturb the peace, order and security enjoyed by those who live there,” sabi pa ni BGen. Gubat.
Samantala, sa patuloy na pagpapatrolya ng mga sundalo sa lugar, nadiskubre nila ang isa sa mga bangkay ng mga nakalabang terorista, at kinilala ito na si Saddam Salandang alyas “Sadam”, miyembro ng BIFF Karialan Faction sa ilalim ni alyas “Kumander” Robot.
Sa isinagawang clearing operation sa encounter site ay nabawi ng military ang dalawang M16A1 rifles, isang M203 grenade launcher, isang Garand rifle, dalawang Carbines, isang Barrett cal. .50, tatlong magazines ng M16, 12 pirasong IED main charge, 19 pcs. improvised blasting caps, isang bandolier, isang basic phone, 19 backpacks, 11 pcs. ng 9 volt batteries, 13 pcs. na duyan, mga bala at iba pang mga personal na gamit ng local terrorist group.
Pinayapa naman ni BGen. Gubat ang mga residente sa lugar at sinabing manatiling kalmado dahil kontrolado ng militar ang sitwasyon.
Ayon kay Col. Oriel Pangcog, 601st Infantry (Unifier) Brigade commander, ang internally displaced persons ay pansamantalang inilikas at kinakalinga sa daycare center ng mga barangay ng nasabing munisipalidad sa pangangalaga ng MDRRMO Datu Salibo at Shariff Saydona. (JESSE KABEL)
212 