Fitch Ratings sa klarong mandato ni Bongbong POLICY AGENDA NG NEXT ADMIN WALANG SAGABAL

NANINIWALA ang Fitch Ratings na ang klarong mandato ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na nakakuha ng mahigit 31 milyong boto na naglagak sa kanya bilang kauna-unahang majority president sa ilalim ng multi-party-system, ay makatutulong nang malaki upang maipatupad ang kanyang mga policy agenda nang mas mabilis at maayos.

Nakikita rin ng Fitch Ratings na mananatiling naka-focus ang gobyerno sa mga proyektong pang-imprastraktura kung saan isa ito sa susi sa inaasam na patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa.

“(We) believe the clear mandate delivered by the 9 May PH election bodes well for the ability of the incoming administration headed by Ferdinand Marcos Jr., as president to implement its agenda, which we expect to be broadly in line with existing policies,” sabi ng Fitch Ratings sa kanilang opisyal na website.

Ang multinational credit rating agency ay nakasisiguro rin na ipagpapatuloy ng Pilipinas ang maayos na pagpapatupad sa mga patakaran at muling makakabangon mula sa pandemya.

Pinahalagahan din ng Fitch Ratings ang karanasan ni Marcos bilang mambabatas, na anila’y makatutulong para maisagawa ang mga nais niyang agenda.

“We will be able to better assess the impact of the Marcos government’s policy agenda once key appointments are finalized, notably within the economic team. The incoming president’s capacity to implement legislation will also hinge on dynamics within the new Congress,” dagdag nito.

Sinabi pa ng kumpanya, “risks to growth posed by pandemic-related scarring could be offset by investment that addresses infrastructure shortfalls, supporting the country’s growth potential”.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng Fitch Ratings si Marcos na magdahan-dahan sa pag-amyenda ng Rice Tariffication Law, dahil maaari aniyang mapigilan nito ang pag-import ng bigas na magreresulta sa pagtaas ng presyo nito.

“Amending the law could also hurt tax revenue. The low tax take is a credit weakness for the Philippines, and when we affirmed the rating in February, we noted that a reversal of tax reforms that leads to sustained higher fiscal deficits could result in a rating downgrade,” ayon pa rito.

Bagamat wala pang kumpirmasyon ang Kongreso tungkol sa resulta ng halalan, tiwala naman ang Fitch Ratings na hindi ito magiging hadlang at kalaunan ay magpapasa ng kanilang desisyon patungkol sa legislative agenda na naaayon sa nais ni BBM.

“A gradual reopening of the economy to tourists in the wake of the pandemic should support the country’s external position this year and official reserve assets stood at a comfortable USD107 billion at end-April 2022, only slightly down from USD109 billion at end-2021,” dagdag pa ng kumpanya.

166

Related posts

Leave a Comment