HOUSE-TO-HOUSE CHIKITING BAKUNATION SA LAS PIÑAS UMARANGAKADA NA

Nagsimula na po ngayong araw ang pagbabakuna sa mga kabataan edad 0 buwan hanggang 23 buwang gulang. Target na mabakunahan ang 4000 na kabataan mula sa iba’t-ibang barangay ng Las Piñas. Ang mga bakunang maaaring ibigay sakanila ay ang BCG o bakuna kontra TB, Penta-hib o 5in1, Oral Polio at bakuna kontra tigdas.

Nakikiisa ang pamahalaang lungsod ng Las Piñas sa Chikiting Bakunation na proyekto ng Department of Health na naglalayon na maabot ang mga kabataang hindi pa nabakunahan ng mga fundamental vaccines o di kaya ay yung mga kabataang hindi pa nakakumpleto ng mga bakuna bunsod na rin sa pagkakaroon ng lockdown sa mga iba’t-ibang bahagi ng lungsod. Personal ding binista ang Barangay CAA ng mga kinatawan ng DOH ang unang araw ng Chikiting Bakunation sa Las Piñas para naman sa pagsasagawa nila ng monitoring and evaluation.

Ang bakunahan na ito ay tatagal hanggang June 10, 2022 sa dalawampung barangay sa Las Piñas hanggang sa makamit ang target na numero ng mga kabataan na mabibigyan ng libreng bakuna.

Inatasan naman ni Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar ang ating City Health Office na pagtuunan din ng pansin ang pagbabakuna na ito upang makapagbigay ng karagdagang proteksyon sa mga kabataan na nabibilang sa nabanggit na edad para na rin maging panlaban sa iba pang sakit.
JhayJalbuna

416

Related posts

Leave a Comment