2 BANGKAY ITINAPON SA CONSTRUCTION SITE

patay

CAVITE – Hinihinalang biktima ng salvage ang dalawang bangkay sa garbage bag na natagpuan sa isang construction site sa Imus City noong Linggo ng umaga.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa mga lalaking biktima habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

Ayon sa ulat ni Corporal Jessie Villanueva ng Imus City Police Station, nakatanggap ng tawag ang mga operatiba ng POP 2 ng Imus CPS hinggil sa dalawang bangkay na natagpuan ng construction workers ng Ayala Corporation dakong alas-9:00 ng umaga.

Hinihinala ng pulisya na biktima ng salvage ang dalawa dahil sa uri ng pagpatay at itinapon sa lugar upang iligaw ang imbestigasyon ng pulisya. (SIGFRED ADSUARA)    

205

Related posts

Leave a Comment