EASL AMBASSADOR SI GREEN

SI Fil-Am at Houston Rockets rookie Jalen Green ang pinakabagong ambassador ng East Asia Super League (EASL).

Opisyal na inanunsyo ng EASL kahapon na ang 20-anyos na Roc-kets guard ay sasamahan ng kapwa NBA players na sina Baron Davis, Metta World Peace at Shane Battier.

Si Green ang pinakamataas na NBA draftee (no. 2) na Asian American sa kasaysayan ng liga.

Ang dalawa pang Asian-American na nauna sa kanya ay sina Jordan Clarkson at Raymond Townsend.

Ang high-flying 6-foot-4 na si Green ay isa sa pinaka­ma­impluwensyang basketball player ngayon, lalo sa Pilipinas kung saan nagmula ang kanyang ina.

Inaasahang magiging aktibo siya sa digital aspect ng EASL, lalo sa mga nakatakdang aktibidad ng liga sa hinaharap.

Mula noong pumasok sa digital marketing ang EASL noong 2020, mahigit 100 manlalaro at influencers na ang gumagawa ng content na may mahigit 430 million followers at 200 million views.

Sa ilalim ng EASL, may sampung taong kasunduan sa FIBA, magsasama-sama ang walong mga pinakamahusay na koponan sa Asya at magtatagisan ng husay at talento para sa isang $1 milyong premyo. (ANN ENCARNACION)

164

Related posts

Leave a Comment