GAGAMITING tuntungan ni Filipino boxer Aston Palicte ang laban kay Australian Jason Moloney upang muling mapasabak sa world championship.
Dumating nitong Miyerkoles sa Melbourne si Palicte, kasama si Nonoy Neri (chief trainer) at assistant Ryan Songalia, para sa 10-round clash local bet Moloney sa Linggo sa 55,000-seat Marvel Stadium. Nakataya rito ang WBC silver bantam title at WBO International 118-lb crowns.
Ang nasabing laban ay ibo-broadcast ng ESPN sa Estados Unidos at tatampukan ng undercard para sa undisputed lightweight championship sa pagitan nina George Kambosos Jr. at Devin Haney.
Kumpiyansa si Palicte (28-4-1, 23 KOs) sa kanyang tsansa kay Moloney, lalo na’t nasa corner niya ang long-time trainer na si Neri. Ang partnership nila ay may naitalang 10-fight winning streak mula 2013-2015.
“I’m very thankful for this big opponent. This is a good opponent for me. I’ve wanted this fight for a long time. I’m in 100 percent condition,” sabi ni Palicte sa Tagalog at motibasyon aniyang magpakita ng husay para sa maraming Pinoy sa Australia.
Dalawang beses naging world title challenger si Palicte, una noong 2018 sa vacant WBO superflyweight championship kontra kababayang si Donnie Nietes noong 2018 na nagresulta sa draw.
Habang noong 2019 ay natalo siya via TKO kay Japanese Kazuto Ioka para sa kaparehong belt.
Dating amateur standout si Palicte. Kinatawan niya ang Pilipinas sa 2008 AIBA Youth World Championship sa Mexico at nanalo ng bronze sa 2010 China Open sa Guiyang, China. Bago ang laban kay Moloney, nagtala siya ng tatlong sunod na panalo sa Pilipinas.
Sa kabilang banda, si Moloney (23-2, 18KOs) mula sa Mitcham, Victoria, Australia at galing naman sa dalawang sunod na panalo, mula nang mabigo sa kanyang ikalawang world title attempt.
Kasama rin ni Palicte ang manager na si Jason Soong, at kumpyansa rin sa tsansa ng boksingero.
“The timing is perfect because I feel that Aston is a better fighter at 118 pounds,” wika ni Soong.
“A win here will start another run for the world title for us.”
201 