WALANG DAHILAN PARA KAPUSIN SA PAGKAIN

KUNG pagbabatayan ang kakayahan ng piso kontra sa umiiral na presyo ng mga pagkain sa merkado, malinaw na hindi na sumasapat ang kita ng isang ordinaryong obrero para sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

Pinakauna sa lahat ng mga kailangan ay ang pagkain. Pero sa walang puknat na pagpapataw ng dagdag-presyo ng mga produktong petrolyo, apektado pati ang halaga ng bentahan ng pagkain para sa mamamayang Pilipino.

Ano nga ba ang pinaka-angkop na solusyon para tugunan ang problema? Suspensyon ba ng umiiral na buwis? Pwede naman subalit siguradong apektado ang serbisyo ng gobyerno sa mga tao.

Karaniwang gobyerno ang sinisisi ng mga kumakalam ang sikmura. Kesyo wala silang trabaho, hindi sapat ang kanilang sweldo, mataas na presyo ng mga pagkain sa merkado at iba pa.

Ang totoo, sadyang nakapagtataka kung paano ang isang bansang pasok sa kategorya ng agrikultura ay kinakapos ng pagkain. Bukod sa malawak na sakahan, mayamang pangisdaan at matiyagang kamay ng mga magbubukid at mamamalakaya, nasa atin din ang matabang lupa, angkop na klima, at teknolohiya sa agrikultura.

Anyare? Dangan naman kasi, mas pinili ng gobyernong umangkat na lamang sa mga nakalipas na panahon sa halip na pagyamanin ang sektor ng agrikultura.

Kung babalikan ang kasaysayan, isang maunlad na agricultural country ang Pilipinas. Katunayan, tayo pa nga ang binibilhan noon ng bigas, asukal, gulay, prutas, isda at iba pa.

Sa paglipas ng panahon, ang mga sakahan ay naging residential subdivisions, pabrika, golf course, hotel, casino o ‘di naman kaya’y Β­hasyenda ng mga may pera. Ang mga ilog, naΒ­lason ng polusyong dulot ng mga industriya at mga basurang itinapon lang kung saan-saan. Ang mayamang pangisdaan sa ating karagatan sukdulang sakupin ng mga banyaga.
Ang mga magbubukid, binabarya pa ng mga negosyante habang ang mga mangingisdang Pilipino, binabarako at itinataboy ng mga dambuhalang sasakyang dagat ng Tsina.
Sa napipintong pag-upo ni President-elect FerΒ­dinand Marcos Jr., umaasa ang sektor ng Β­agrikultura at mamamayang umaaray sa presyo ng pagkain sa mga pamilihan, na tuluyan nang maisasaayos ng susunod na administrasyon ang maling polisiya at patakarang sukdulang Β­naglulugmok sa sektor ng agrikultura.

216

Related posts

Leave a Comment