SA halip na pasasalamat, itak ang isinukli ng kapitbahay na pinayuhan lamang na kalingain ang nanghihinang lola, sa bayan ng Mendez sa lalawigan ng Cavite.
Suwerte namang hindi napuruhan ang biktimang kinilalang si Joel Mariño, 48-anyos at residente ng Barangay Panungayan 1 ng nasabing bayan, Kwento ng biktimang nananatili pa rin sa pagamutan, nakaupo umano siya sa balkonahe ng kanyang tahanan nang dumating ang suspek na si Mario Montaño na walang sabi-sabing hinalibas siya ng hawak nitong itak.
Sa imbestigasyon, lumalabas na nauwi sa pagtalo ang ginawang pagpapayo ni Mariño kay Montaño na sinabihan umanong alagaan ang kanyang lola. (SIGFRED ADSUARA)
364
