2.8M SENIORS ‘DI PA BAKUNADO

MAHIGIT 2.8 million senior citizens sa Pilipinas ang hindi pa nababakunahan ng COVID-19 vaccines bukod sa milyon-milyon umano ang hindi pa tumatanggap ng booster shot.

Ito ang nabatid mula kay Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ordanez kaya umapela ito sa kanyang mga kapwa senior na magpabakuna na upang magkaroon ng proteksyon at tuluyang makawala ang bansa sa pandemya.

“There are still 23% of the A2 population (senior citizens) who are not fully-vaxxed and many more not boosted, according to the latest DOH (Department of Health) data,” ayon sa mambabatas.

Base sa datos ng Philippine Statistic Authority (PSA), 12,336,355 ang senior citizens sa bansa noong 2020 kaya kung 23% pa sa mga ito ay hindi pa nababakunahan ay 2,837,261 pa ang bilang ng mga ito.

Nangangahulugan na sa bilang ng mga matatanda sa bansa, halos 9.5 million pa lamang ang nababakunahan subalit milyong-milyong pa umano sa mga ito ang walang booster shot.

Dahil dito, muling umapela ang matandang solon sa kanyang mga kapwa senior na magpabakuna na lalo na’t tumataas na naman umano ang bilang ng mga nagkakaroon ng COVID-19. (BERNARD TAGUINOD)

117

Related posts

Leave a Comment