(CHRISTIAN DALE)
HANGAD na ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos na magsagawa ng arrangements sa oil-producing countries upang mapalambot at mapagaan ang hagupit ng presyo ng petroleum products sa consumers.
Sa press briefing, sinabi ni Marcos na nais ng kanyang administrasyon na gamitin ang kahalintulad na approach na in-adopt ng kanyang ama noong 1973 oil crisis nang ang administrasyon nito ay nakipag-usap sa oil-producing nations na habaan pa ang payback period.
Nagsimula ang krisis nang magdesisyon ang Arab oil producers na putulin ang suplay sa Estados Unidos bilang pagpapakita ng military support para sa Israel, na nakaapekto sa world prices.
“Lahat ng kausap kong mga ambassadors (All the ambassadors I talked to)… All of them who have a supply of gas, of oil, I already opened the discussion with them. We have to explore everyone,” ayon kay Marcos.
Itinuturing na major crude oil producers sa buong mundo ang Estados Unidos, Russia, Saudi Arabia, Canada, at Iraq.
Ang mga ambassador mula sa iba’t ibang bansa ay nagsimula nang mag-courtesy call kay Marcos.
Sa nasabing briefing, sinabi ni Marcos na nananatiling “malaking problema” para sa Pilipinas ang tumataas na presyo ng langis.
Gayunman, sinabi ni Marcos na walang magagawa ang gobyerno sa bagay na ito.
“We just have to take whatever price we’re getting,” dagdag na pahayag nito.
Malabo umanong pagbigyan ni Marcos ang panawagan na suspendihin ang excise tax sa fuel products.
Samantala, inihayag din ni Marcos Jr. na tinitingnan nito ang koleksyon ng value-added taxes (VAT) mula sa page-export ng partially-processed ore.
Ito’y sa halip na itaas ang buwis sa pagmimina.
“What we would like to do is encourage that the value added [taxes] to the raw ore stay in the Philippines as much as possible. Whether there should be fiscal measures in that regard is something we have not decided on and what the levels that will be. But I think what we are trying to achieve, the desired result for all of this, is instead of exporting raw ore, we export at least partially-processed ore so that may be value added that’s left in the Philippines,” ayon kay Marcos sa press briefing sa Mandaluyong City.
Kasabay nito, binigyang-diin ni Marcos ang pangangailangan na isulong ang “clean mining” sa bansa dahil sa negatibong environmental impact nito.
“I cannot believe that here in the Philippines we cannot monitor and regulate the mining industry sufficiently so that we can have clean mining in the country,” aniya pa rin.
Kinastigo naman ni Marcos ang nakasanayan na sa mining industry sa bansa na nananatiling “problematic.”
Nauna rito, itinutulak ng economic team ni outgoing President Rodrigo Roa Duterte ang pagbuhay sa mining industry upang makalikha ng mas maraming trabaho.
129