HINDI naging hadlang ang malakas na buhos ng ulan sa libo-libong taga-suporta at fans ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dumalo sa “Salamat PRRD”, isang thanksgiving concert sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Tinatayang 3,500 katao ang dumagsa sa lugar na nagsilbi ring venue para sa miting de avance ni Pangulong Duterte noong 2016 elections.
Sa isang panayam, sinabi ng event director na si Njel De Mesa na ang thanksgiving concert ay hindi lamang idinaos para pasalamatan si Pangulong Duterte sa pagsisilbi sa bansa sa nakalipas na anim na taon kundi para ipakita ang labis na pasasalamat sa supporters at fans na nanatiling nakatayo at nakasuporta sa Pangulo sa kabila ng mga kritisismo.
Dumating si Pangulong Duterte sa Quirino Grandstand, ilang minuto bago mag-alas 7 ng gabi.
Nag-perform naman sa concert sina Andrew E., Chad Borja, Dulce, Freddie Aguilar, Ice Seguerra, Isay Alvarez, Jed Madela, Jimmy Bondoc, Martin Nievera, Moymoy Palaboy, Robert Seña, at ang Philippine Philharmonic Orchestra. (CHRISTIAN DALE)
179 