KYRIE IRVING MANANATILI SA NETS

Ni VT ROMANO

SA kabila ng report na may ‘impasse’ sa pagitan ng ­Brooklyn Nets at ni Kyrie Irving, ­sinasabing gagamitin ng ­seven-time NBA All-Star ang $36.9 million player option sa kanyang kontrata para sa 2022-23 season, ayon sa ulat ni Sham Charania ng The Athletic.

Na-quote si Irving at sinabing: “Normal people keep the world going, but those who dare to be different lead us into tomorrow. I’ve made my decision to opt in. See you in the fall. A11 Even.”

Bunga nito, makakapirma na si Irving ng extension sa Nets at kung hindi magkakasundo ang magkabilang panig sa long-term deal na gusto ng player, magiging unrestricted free agent siya sa susunod na summer. Maaari din siyang i-trade ng Nets ngayong season.

Si Irving, pumirma ng four-year $136.5 million contract sa Nets noong 2019, para magka­sama sila ni Kevin Durant.

Habang kasunod ng ­kanyang pagbabalik mula sa career-threatening Achilles’ tendon injury, lumagda naman si Durant ng four-year $198 million extension noong Agosto, kung saan sinabi ni Brooklyn general manager Sean Marks na ‘very confident’ ang franchise sa extension nina Irving at James Harden.

Ngunit, hindi nag-komit sina Irving at Harden sa nakalipas na summer at parehong nagka­lamat ang relasyon nila sa team sa mga sumunod na buwan.

Tumanggi si Irving sumunod sa New York City’s COVID-19 vaccine mandate dahilan para hindi siya makalaro ng 53 games sa regular season.

Halos wala nang direksyon ang team, nang magpahinga si Durant sanhi ng leg injury at si Irving naman absent sa mga laro dahil sa pagtanggi sa vaccine. Habang si Harden ay humiling ng trade at napunta sa Philadelphia 76ers noong Pebrero.

Nakapaglaro si Irving sa road games ng Nets noong Enero at binigyan din ng clearance para lumaro sa Brooklyn papasok sa playoffs.

Bago magsimula ang season, paborito sa titulo ang Nets, pero nauwi sa gulo.

232

Related posts

Leave a Comment