FATBOY 6 STAG BIG EVENT NI BOSS CHOLO VIOLAGO SA SANTA MARIA COCKPIT ARENA, INAABANGAN NA!

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

HANGGANG ngayon, marami pa ring nag-aabang sa pagbabalik ng electronic sabong o e-sabong sa bansa.

Nami-miss na talaga nila ito. Siyempre, gustong-gusto na nilang tumalpak muli.

Sino ba naman ang ayaw sa mga malalaking premyo na abot-kamay lang nila?

Aba’y inaabangan din ng bayang sabungero ang malalaking derby.

Excited na nga ang mga sabungero sa Fatboy 6 Stag Big Event (Early Bird).

Magaganap ito sa July 2, 2022 (Sabado) sa Santa Maria Cockpit Arena sa Bulacan.

Kung hindi ako nagkakamali, pa-derby ito ni Boss Cholo Violago.

Papalo sa P110,000 ang pot money.

Ayon pa sa impormasyong nakalap ng inyong lingkod, nasa 55,000 naman ang minimum bet.

Paalala ng host ng event na si Boss Cholo, aba’y “no hennies are accepted.”

Pawang mga bigatin naman ang mga lalahok sa event na ito ni Violago.

Kasama raw sa participants si Boss Atong Ang at maging ang tambalan ng inyong lingkod at ni Boss Richard Perez.

Sasabak din ang mga pambato nina Boss ­Gerry Ramos, Boss Arman Santos, at Boss Vincent Violago.

Makikipagsabayan din ang mga fighters nina Boss Amo Tose, Boss Joseph Lumbad, at Boss Celso Salazar.

Tinatayang mahigit 40 entries ang lalaban sa nasabing derby.

Karamihan sa kanila ay pawang sumasabak sa Pitmaster Live.

Nakaka-excite ang labanang magaganap.

Huwag po kayong mawawala, dapat present lahat.

Kaya bayang sabungero, ihanda n’yo na po ang mga ambulansya, bawal po ito sa may sakit sa puso.

Abangan!

686

Related posts

Leave a Comment