GINEBRA GUSTONG SUMALO SA LIDERATO

MAKISIKSIK sa leader board ang pakay ng Barangay Ginebra sa paghaharap nila ng Converge FiberXers sa double-header ng 2022 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum ­ngayon (Biyernes).

Ikalimang sunod na panalo naman ang tutumbukin ng TNT Tropang Giga sa pakikipag­sagupa sa wala pang panalo na Terrafirma Dyip.

Unang magtatapat ang Tropang Giga at nanganganib na maagang mapatalsik na Dyip sa ganap na alas 3 ng hapon.

Susundan ito ng 6pm na salpukan sa pagitan ng Gin Kings at umaasang makakaahon pa sa ilalim na FiberXers.

Hindi makakasama ng Ginebra sa apat na laro ang kanilang head coach na si Tim Cone, na magsisilbing assistant coach ng Miami Heat para sa NBA Summer League.

Huling tinalo ng Tropang Giga ang NorthPort Batang Pier, 117-112, habang nalasap ng Dyip ang 107-70 kabiguan kontra Blackwater.

Samantala, hangad makisalo ng Gin Kings sa nangungunang sister team San Miguel Beer, na tinalo nila, 75-72, sa una nilang pagtitipan.

Asam naman ng Converge na makabawi sa pagkatalo sa Beermen, 111-92, at mapigilan ang lalo pang pagkabaon sa team standings.

245

Related posts

Leave a Comment