Philippine sports matututukan sa administrasyon ni PBBM

MULA ngayon (Hulyo 1) at sa loob ng anim na taon may bagong Chief Executive na ang Pilipinas, si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Mula sa SAKSI NGAYON Sports at kolumnistang ito, ipinaaabot namin ang aming malugod na pagbati sa ating mahal na Pangulo.

Ilang mga atleta at lider sa sports ang nagtatanong sa Sala sa Init, Sala sa Lamig: “Ano na ang magiging kinabukasan ng sports sa Pilipinas sa
ilalim ng gobyernong PBBM?”

Wala pa kaming naririnig na mga bagong ­programa ng bagong upong administrasyon hinggil sa sports sa bansa. Subalit batay sa aming nakaraang panayam noong siya’y senador pa lang, nabanggit ni ngayo’y PBBM na isa sa mga gusto niyang tututukan ay ang pagpapaunlad ng sports sa Pilipinas.

Sa isang sesyon noon ng SCOOP (Sports Communicators Organization of the Philippines), sinabi ni Marcos na mangyayari ito kung magkakaroon ng pagbabago sa sistema ng pamamalakad sa sports: “To replace the present sub-cabinet Philippine Sports Commission with a cabinet-level Department of Sports.”

Sa speech naman niya sa Gabriel “Flash” Elorde Awards Night and Banquet of Champions ilang taon  na ang nakararaan, ipinangako niya ang suporta sa lahat ng bill na may kaugnayan sa sports na nakabimbin sa senado, kabilang ang paglikha ng National Department of Sports upang matigil ang kabiguan ng mga atletang Pilipino sa international competitions.

Noong mga panahong nabanggit ay hindi pa nangyayari ang Tokyo Olympics, kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapag-uwi ng gintong medalya ang Pilipina weightlifter na si Hidilyn Diaz.

“Why is it that we are languishing in the medal tallies in regional and international competitions?

Kahiya-hiya ang nagiging performance natin sa mga international competitions,” pahayag ni BBM. Pinuna rin niya ang kakulangan ng suporta mula sa pamahalaan para sa mga atleta, lalo kapag sila’y retirado na. Kaya nagbitaw siya ng pangako.

“I am making this pledge before you all that our Filipino boxers and athletes can and will expect my full supports as your legislator and as a Filipino,”

­aniya. “Masugid kong susuportahan ang mga panukala sa senado na naglalayong matulungan ang ating mga boksingero at atleta.”

Nanawagan din siya sa pamunuan ng Philippine Sports Commission. “You can help open the eyes of the government and convince your legislators on the urgency of making changes to our present system, as well as to the wisdom and importance of sports in the government’s responsibility and duty to build a strong and healthy citizenry.”

“Pagkaisahan natin at gawin nating ‘killer combination’ ang pagtutulungan nating ito. At kung sa harap ng lahat ng mga ito, ayaw pa ring makinig ang mga opisyal sa pamahalaan, may ‘knock-out punch’ pa sa pamamagitan ng balota at botohan,” dagdag niya.

“Magtulungan po tayong lahat para mapaganda ang  boksing at iba pang sports sa ating bansa.

Bukas po ang aking tanggapan para sa inyong lahat sa anumang mga sangguni at mga mungkahi na nais ninyong iparating sa akin,” pagtatapos ni BBM.

182

Related posts

Leave a Comment