MANDATORY VACCINATION SA KABATAAN PAG-ARALANG MABUTI

BUKAS si Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture chairman Sherwin Gatchalian na ikonsidera ang mandatory Covid19 vaccination sa mga bata bilang paghahanda sa face-to-face classes.

Gayunman, sinabi ni Gatchalian na kailangang pag-aralan itong mabuti dahil kalusugan ng mga bata ang nakasalalay dito.

“I admit that vaccinating children is a very emotional activity. That’s why that’s the reason why a lot of the younger kids are not vaccinated,” pahayag ni Gatchalian.

Aminado ang senador na hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa maraming magulang ang pangambang dulot ng dengvaxia vaccine.

“I’m not ruling that out, mandating vaccination. I’m just quite, I’m just reading that thoughts very carefully, considering that, remember, in the past, there was dengvaxia and dengvaxia was very emotional to many parents,” dagdag ng senador.

Sa ngayon, iginiit ng senador na dapat maging agresibo ang Department of Health at maging ang Department of Education sa pagkumbinsi sa mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak.

Una nang nabahala ang senador sa mababa pa ring vaccination rate sa 5-11 years old sa gitna ng pagsusulong na makabalik na sa in-person classes.(DANG SAMSON-GARCIA)

222

Related posts

Leave a Comment