MOTORSIKLO SUMALPOK SA POSTE 1 PATAY, 2 SUGATAN

LUCENA CITY – Patay ang isang motorcycle rider habang sugatan ang dalawang angkas nito makaraang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa poste ng ilaw sa Lucena City nitong Sabado ng umaga.

Dead on arrival sa ospital ang 22-anyos na driver na si Carl Aljhon Regonay habang sugatan ang magpinsang angkas na sina Christian Torio, 24, at Jonathan Torio, 20-anyos.

Batay sa report ng Lucena City Police, bandang alas-8:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa pababa at kurbadang bahagi ng highway sa Barangay Ibabang Dupay.

Dahil umano sa mabilis na takbo ng motor, nawalan ng kontrol ang nagmamaneho at sumalpok sa poste ng ilaw na nasa mababang island sa gitna ng highway.

Ayon pa sa mga imbestigador, nakainom ang tatlo at pawang walang suot na crash helmet nang mangyari ang insidente. (NILOU DEL CARMEN)

 

247

Related posts

Leave a Comment