P4.2-M SHABU KUMPISKADO, 5 SUSPEK ARESTADO

NAGKASA ng anti-illegal drugs operation ang mga pulis ng Makati City na nagresulta sa pagkakadakip sa lima katao at nakumpiska ang tinatayang P4,250,000 halaga ng ilegal na droga noong Biyernes ng gabi sa Amarillo St., Brgy. Rizal, Makati City.

Kabilang sa nakumpiska ng SDEU operatives ang apat na plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu, at boodle money na ginamit sa operasyon.

Kinilala ang mga suspek na sina Jebert Baluarte, driver; Leopoldo Montes, driver; Myrafe Montes; Paul Graham Gonzalez, at Reinsher Anne Jamero, online seller.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Makati City Police ang arestadong mga suspek habang ang nakumpislang illegal drugs ay turned-over na sa SPD Forensic Unit para sa chemical analysis. (DAVE MEDINA)

261

Related posts

Leave a Comment