2 WANTED SA RAPE NALAMBAT NG PULISYA

QUEZON – Dalawang nakatala bilang mga most wanted person sa kasong rape sa lalawigang ito, ang nadakip ng mga awtoridad sa dalawang operasyon noong Huwebes.

Unang naaresto ng mga tauhan ng Lucena City PNP at ng Sta. Maria,  Laguna Police Station noong Huwebes ng umaga  ang suspek na si Reynante Concepcion sa operasyon sa Brgy. Laurel, Sta. Maria.

Si Concepcion na residente ng Pagbilao, Quezon ay isa sa most wanted persons ng Lucena PNP dahil sa kasong panggagahasa sa pamangkin ng kanyang kinakasama sa nasabing lungsod.

Matapos ang paghahalay ay nagtago ang suspek sa kanyang hometown sa Brgy. Laurel, Sta. Maria, Laguna kung saan ito natimbog.

Samantala sa General Nakar, Quezon, naaresto naman ng mga pulis ang municipal most wanted person at rape suspect na si Nestor Villanueva Magsino, 58-anyos, sa pinagtataguan nito sa Brgy. Anoling .

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 65 ng Infanta, Quezon.

Nakakulong na ang ang dalawa at kapwa walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanilang kaso. (NILOU DEL CARMEN)

204

Related posts

Leave a Comment