LOLONG RAPE SUSPECT NABITAG

INARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District ang isang 71-anyos na lalaking rape suspect malapit sa bahay nito sa Anak Bayan St., Malate, Manila noong Huwebes.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Arsenio”,  jobless, may asawa, ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Salvador Tangdol , commander ng Manila Police District – Malate Police Station 9, bandang alas-3:00 ng hapon nang arestuhin ang suspek malapit sa bahay nito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Celestina Mangrobang, ng Regional Trial Court Branch 38 ng Manila dahil sa kasong rape.

Ang suspek ay naaresto sa ikinasang Station Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) na ipinatupad ng MPD laban sa most wanted persons sa kanilang nasasakupan. (RENE CRISOSTOMO)

204

Related posts

Leave a Comment