LAGUNA – Patay ang isang tumakas na preso sa Cavite makaraang maka-engkwentro ang mga pulis sa Sta. Cruz, Laguna.
Sinabi ni Laguna Police director, Col Cecilio Ison Jr., ang nakatakas na suspek ay si Jeffrey Ochoa, nasabat ng mga awtoridad sa Sitio Bougainvilla, Barangay Bubukal, Sta. Cruz, Laguna.
Nasukol ito ng mga awtoridad sa naturang lugar ngunit sa halip na sumuko ay bigla itong bumunot ng baril at nakipagbarilan.
Base sa ulat, kasong theft lamang ang kinahaharap ng suspek. Nakatakas ito sa kanyang bantay na gwardiyang si John Michael Ferrera matapos paluin nito sa mukha ng matigas na bagay at saka dali-daling sumakay sa isang Toyota Vios sa kahabaan ng Trece Martires City, Cavite noong Lunes.
Lumipat naman ito sa isang motorsiklo na patungong Gen. Trias City hanggang sa nakarating sa Sta. Cruz sa lalawigan ng Laguna kung saan ito napatay ng mga awtoridad. (CYRILL QUILO)
192 