ARESTADO ang apat katao habang halos P1.6 milyong halaga ng ilegal na droga ang kumpiskado sa ikinasang buy-bust operations sa mga lungsod ng Malabon at Navotas.
Mula alas-10:00 ng gabi noong Hulyo 28 hanggang alas-1:30 ng madaling araw noong Hulyo 29 ay nadakip sa Brgy. Dampalit, Malabon City at Brgy. North Bay Boulevard North, Navotas City sina Larissa Lacson y Siochi alyas “Ate”; Ricardo Salvador y Luciano alyas “Richie”; Maricris Marquez y Macatangay alyas “Cris”, at Ricardo Rondina y Zabate alyas “Ricky”.
Umabot sa 222 gramo ng ilegal na droga na may presyong P1,563,600, ang nasamsam ng mga awtoridad mula sa mga suspek.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALAIN AJERO)
291 