NAGING matagumpay ang isinagawang pagbibigay parangal sa natatanging mga indibidwal na nagpakita ng kanilang talento pagdating sa sining, at ilang pulis Maynila na nagpakita ng dedikasyon sa kanilang serbisyo, sa ginanap na Awarding and Culminating Ceremonies sa 27th PCR Month 2022.
Dinaluhan ito ng mga bisita, galing sa iba’t ibang kinatawan mula sa Rotary Club District 3810 na pinangunahan nina Gov. Joyce Ambra, AKS/AKG Bing Carrion, at PLP Glen Leonardo.
Pinaigting na ugnayan ng Rotary Club at Manila Police District ang naging tema ng nasabing aktibidad upang lalong makapagbigay nang mas epektibong serbisyo publiko.
Ang pamunuan ng MPD sa liderato ng butihing District Director na si P/BGen. Leo “Paco” Francisco, ay lubos na nagpapasalamat sa matagumpay na kaganapang ito.
Kabilang sa nabigyan ng special award ay sina P/Col. Julius Anoñuevo, hepe ng MPD-District Mobile Force Battalion, P/Lt. Col. Orlando Mirando, commander ng MPD Sta. Ana Police Station 6, P/Lt. Col. Rodel Borbe, commander ng MPD Baseco Police Station 13, at P/Maj. Robert Fajardo, Deputy Commander ng MPD-Sta. Cruz Police Station 3. (RENE CRISOSTOMO)
145