IKINATUWA ni Senador Sonny Angara ang pagsasabatas ng tatlong panukalang magtataguyod sa kaunlaran ng kabataang Pilipino bilang future leaders ng bansa at maging produktibong miyembro ng lipunan.
Sa pahayag, nagpasalamat si Angara sa Pangulo sa pagsasabatas ng kanyang panukala na magpapahalaga sa kakayahan ng kabataan na matagal nang napabayaan.
“We are thankful for the inclusion of initiatives intended for the youth in the list of new laws. Programs for the youth are often neglected in the priorities of government but they deserve more attention since they represent the future of our country,” ayon kay Angara.
Kabilang sa naging batas ang The National Youth Day (Republic Act 11913) at ang National Music Competitions for Young Artists (Republic Act 11915) na nag-lapsed into law noong July 30, 2022 habang ang Summer Youth Camp (Republic Act 11910) na nag-lapsed into law noong July 28, 2022.
Idineklara ng RA 11913 ang August 12 kada taon bilang National Youth Day kaugnay sa deklarasyon ng United Nations na International Youth Day.
Sa ilalim ng panukala, inaatasan ang National Youth Commission, kasama ang Department of Education, Commission on Higher Education, at Technical Education and Skills Development
Authority na magsasagawa ng diskusyon hinggil sa career paths, Sustainable Development Goals, preserbasyon ng kapaligiran, gender equality, at mental health sa selebrasyon ng National Youth Day.
Hinikayat din ang lahat ng institusyong edukasyunal na lumikha ng aktibidad tulad ng leadership training, youth empowerment, workshops, basic mass integration at community immersion bilang bahagi ng National Youth Day celebration.
Hinihimok din ng batas ang provincial at local youth development offices na maghanda ng taunang programa at magsagawa ng aktibidad na magbibigay ng holistic development at pagpapaunlad ng kabataan sa sa kani-kanilang komunidad.
Inaatasan ng RA 11915 ang National Music Competitions for Young Artists (NAMCYA) bilang Philippine National Youth Development Program for Music. (ESTONG REYES)
289 