DAGDAG PONDO AT ABOGADO SA PAO, IGINIIT

NAIS ni Senador Raffy Tulfo na palakasin ang Public Attorney’s Office (PAO) sa pamamagitan ng pagdadagdag ng pondo at mga abogado nito.

Sinabi ni Tulfo na kapansin-pansin na walang abogadong tumatagal sa PAO kung saan ang karamihan ay kumukuha lamang ng karanasan at saka lilipat na sa pribadong law firm.

Aminado ang senador na isa sa dahilan nito ay ang tambak na kasong hinahawakan ng isang PAO lawyer.

Sinabi ni PAO Chief Persida Acosta na sa ngayon ay nasa 2,400 lamang ang kanilang abogado kaya’t overworked ang mga ito.

Ilan din anya sa PAO lawyers ay nagiging piskal o hukom makalipas ang limang taon.

Kahit kulang sa bilang, sinabi ni Tulfo na umaasa siyang matitiyak pa rin ng PAO na matatrato ng tama at mabibigyan ng hustisya ang lahat ng nangangailangan ng tulong ng ahensya. (DANG SAMSON-GARCIA)

205

Related posts

Leave a Comment