NAG-MAHJONG NGA BA SI SISTER?

BISTADOR Ni RUDY SIM

INAALMAHAN ngayon ng ilang lider ng simbahan ang isang eksena sa pelikulang “Maid in Malacañang” na tila nagpapakita ng nangyari noong February 1986 na may isang tila hawig ni Cory Aquino kasama ang ilang madre habang nag­lalaro ng mahjong.

Ayon sa pahayag ng “Carmelite Nuns” na nakabase sa Cebu, walang nangyaring ganito habang nasa kalagitnaan ng kaguluhan sa EDSA, at sila umano ay nagdarasal para sa kapayapaan ng bansa?

Weh! Naku, sister, bad po ang magsinunga­ling, magagalit si Father.

Ngunit ayon naman sa director ng pelikula na si Darryl Yap, wala naman tinukoy na ito ay si Cory Aquino na ginampanan naman ni Giselle Sanchez, na tinawag ng mga madre na ­malisyoso at nanawagan na pigilan ang pagpapalabas nito.

Teka lang sister, tila yata apektado kayo at lumalabas na ngayon ang mga tunay na nangyari sa ating kasaysayan na itinago ang ilang pahina upang pagtakpan at gawing masama sa mata ng sambayanan noon ang dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.

Matatandaang bago sumik­lab ang February 26, 1986 EDSA People Power Revolution ay nanawagan sa Radio Veritas si dating Jaime Cardinal Sin sa taumbayan na lumabas ng kanilang tahanan upang suportahan ang mga raliyista sa labas ng Camp Aguinaldo na humarang sa tangke de giyera ng pamahalaan na naatasan sanang umaresto sa nag-aklas na mga sundalo at lider ng pamahalaang Marcos Sr.

Matagal ding itinago sa publiko ng pamahalaang Aquino na naging mapayapa ang EDSA People Power Revolution noong 1986 dahil sa pagkakaisa at dasal ng mga alagad ng simbahan, na isang malaking kasinungalingan dahil naging payapa ito sa utos ni ng Pangulong Marcos Sr. na huwag saktan ang mga sibilyan.

Tungkulin ba ng mga alagad ng simbahan na makiisa sa pagpapatalsik sa lider ng ­pamahalaan imbes na ­ipagdasal ang kapayapaan ng bansa? Maging sa nagdaang 2022 elections ay nakiisa pa rin itong mga alagad ng simbahan sa paninira kay Pangulong Ferdinand ­”Bongbong” Marcos Jr., isang malaking kasalanan sa Diyos ang gamitin ang kanyang pangalan.

Matapos ang 1986 EDSA Revolution, sinuportahan ba ng mga madre ang panawagan ng mga magsasaka sa harap ng Malacañang sa ipinangako ni Cory noon sa kanila?

Imbes na harapin ang mga magsasaka ay walang awa ang mga itong pinaulanan ng bala mula sa panig ng pamahalaan at ikinamatay ng 13 magsasaka na tinawag na “Mendiola Massacre” na nangyari noong January 22, 1987.

Hindi pa huli ang lahat para sa ating mga alagad ng simbahan upang ilabas ang katotohanan at magsisi sa kanilang kasalanan dahil tayo ay tao lamang na nagkakasala at nagpapatawad at imbes na makiisa sa kaguluhan ay suportahan na lamang ang pamahalaan upang makabangon tayo sa kinahaharap na pandemya at krisis.

278

Related posts

Leave a Comment