LALAKI NAG-SUICIDE SA NAIA DEPARTURE AREA

PALAISIPAN sa mga tauhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pagpapakamatay ng isang 26-anyos na lalaki na tumalon sa Departure Area ng Ninoy Aquino International Airport (NAA) Terminal 1 noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Michael Laureno, 26, tubong Barangay Sto. Niño, South Cotabato, at nagtratrabaho bilang helper sa Sto. Tomas, Batangas.

Batay sa report ng mga awtoridad, nadala pa ang biktima sa Pasay City General Hospital ngunit binawian ng buhay sa naturang pagamutan.

Sa kasalukuyan, hindi pa malaman ang dahilan sa pagpapakamatay ng biktima.

Sinisikap naman ng airport police na maka-ugnayan ang pamilya ng biktima.

Nabatid na nakita sa CCTV footage na umakyat ang biktima sa mataas na bahagi ng Departure Area at saka tumalon. (FROILAN MORALLOS)

208

Related posts

Leave a Comment