GENERAL SANTOS CITY – Umakyat na sa sampu katao ang namatay habang anim na iba pa ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan na kinabibilangan ng commuter van, winged truck at Raptor Ford pick-up truck sa Purok 4 National Highway, Brgy. Batomelo sa lungsod na ito.
Ayon sa ulat, bumangga ang isang SUV sa cargo truck, at pick-up truck, na maghahatid ng isang grupo sa GenSan mula sa team-building activity sa Island Garden City of Samal, Davao del Norte.
Ayon sa ulat, ang mga pasahero ay pawang mga empleyado ng General Santos City-based Tuna Exporters Multi-Purpose Cooperative (Tempco).
Kinilala ang mga namatay sa insidente na sina Cesar Andaya, cargo truck driver; Noel Podadera, van driver; Lalaine Joy Labang, Mylene Donaldo, Carlo Advincula, Regie Pag-ong, Ryan Jay Niñez, Salvacion Masugbod, Alfredo Abatayo, at Rose Ann Macpal.
Habang ang apat sa mga sugatan ay kinilalang sina Shiela Bantaculo,
Regina Gadia, Jerel Villaruz, at Jeraldine Villaruz.
Lumitaw sa pagsisiyasat, base sa salaysay ni Elbert Hayag, driver ng pick-up truck, nakita niyang nag-swerve ang passenger van sa kanyang harapan papuntang kabilang lane at sumalpok sa parating na truck.
Sa lakas ng impact, tumilapon at nagkalat sa kalsada ang mga biktimang namatay. (JESSE KABEL)
206
