KELOT TIMBOG SA HUMAN TRAFFICKING SA CEBU CITY

BINITBIT ng mga tauhan ng Anti-Human Trafficking Division ng National Bureau of Investigation ang isang indibidwal sa Cebu City dahil sa pagbebenta ng pornographic materials online.

Kinilala ang suspek na si Romilo Romero, naaresto sa entrapment operation na nag-ugat mula sa ulat na natanggap ng NBI-AHTRAD mula sa Department of Justice Inter-Agency Council Against Trafficking – Cyber-TIP Monitoring Center (DOJ IACAT-NBI CYBERTIP) kaugnay sa isang indibidwal na nasa likod ng Twitter account @MarkjasonCj na gumagamit din ng iba pang social media platforms tulad ng Telegram at Facebook upang i-promote at ibenta ang mga self-produced na video kung saan siya nagsasagawa ng mga sekswal na gawain sa mga lalaking biktima, na ang ilan ay mga menor de edad.

Ang NBI-AHTRAD at DOJ-IACAT NBI-CYBERTIP ay nagsagawa ng cyber surveillance, at nakumpirma na si Romero mula Bulacao, Cebu City, ay gumagamit ng Twitter account @MarkjasonCj na nagbebenta ng child pornographic materials sa pamamagitan ng pag-access sa channels na naglalaman ng nasabing materials sa mga kliyente.

Nadiskubre rin ng mga operatiba na ang suspek ay nag-aalok ng mga batang lalaki sa mga kostumer para sa meetups sa Cebu, at cybersex.

Dahil dito, sa bisa ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD) na inisyu ng Cebu RTC Branch 11, ang team na binubuo ng NBI-AHTRAD at NBI-Central Visayas Regional Office (NBI-CEVRO), sa koordinasyon ng DOJ-IACAT, IACAT Region VII, DSWD Region VII, at suporta ng NGO partners mula sa International Justice Mission Region VII, ay nagtungo sa Sitio Cabancalan II, Bulacao, Cebu City noong Hulyo 29, 2022 at inaresto ang suspek

Nabatid sa report na ang pag-aresto sa suspek ay ‘flagrante delicto’, makaraang mag-alok sa isang indibidwal para sa pakikipagtalik kapalit ng halaga ng pera, at pagbebenta ng mga child pornographic material na paglabag sa Seksyon 5(b) ng RA 9208 na sinususugan ng RA 11862 at RA 9775 o kilala bilang Anti-Child Pornography Act of 2009 kaugnay ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ang pagpapatupad ng WSSECD ay nagresulta rin sa pagkakasamsam ng mga digital device na ginagamit ni Romero sa paggawa ng pornographic materials.

Sa nasabing operasyon, isang lalaking biktima ang nasagip na pansamantalang inilagak sa kustodiya ng DSWD Region VII. (RENE CRISOSTOMO)

467

Related posts

Leave a Comment