MOSE, PASOK SA XIP

GAWA, hindi dada. Ito ang pamantayan ni Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa pagtatalaga ng bagong hepe ng Bureau of Customs (BOC) X-Ray Inspection Project na sumi­sipat sa mga pumapasokat lumalabas na kargamento gamit ang makabagong tek­nolohiya.

Sa isang kalatas ng kawanihan, kinilala ang bagong XIP chief na si Jan Adam Mose na inilarawan ni Ruiz na angkop sa sensitibong posisyon sa tanggapang makakawang niya sa pagsupil sa mga bulilyasong kargamento at paghahabla sa mga sindikato at tiwaling kawani ng gobyerno.

Sa impormasyong ibina­hagi ng BOC, lumalabas na hindi na estranghero sa lara­ngan ng pagtukoy sa mga sablay na kontrabando si Mose na nagsilbing XIP area supervisor sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao bago pa man itinalaga ng BOC chief sa mas mataas na pwesto.

Paglalarawan ni Ruiz kay Mose, masigasig pero walang ingay kung magtrabaho si Mose, bagay na aniya’y malaking bentahe sa kanyang pagpili ng makakatuwang sa pagsasakatuparan ng mga
direktibang iniatas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ahensyang pinamumunuan.

Kumbinsido rin si Ruiz na sa pamumuno ni Mose, matutuldukan ang pagpasok ng droga, armas at iba pang kontrabando sa mga pasilidad na pinangangasiwaan ng naturang ahensya ng gobyerno.
Pagtitiyak ni Ruiz, maiiwasan na rin aniya ang mga “misdeclaration” ng mga kargamento ng mga negosyanteng hangad ay dayain ang buwis at taripang kalakip ng kanilang pumapasok at lumalabas na kargamento.

“Katulad ko rin siyangistrikto,” aniya pa.

“We will not waver in our campaign for a modernized and credible Customs administration that we can all be proud of. We will continue our intensified and strengthened border security efforts, we will work towards hitting our target revenue and surpass it as well. We will implement more programs to improve the morale and motivate our personnel so that our workforce can deliver better service to the Filipino people,” pahabol pa ng BOC chief. (JO CALIM)

228

Related posts

Leave a Comment