LOLA NALIGO SA CREEK, NALUNOD

CAVITE – Pinaniniwalaang nalunod ang 73-anyos na lola nang naligo sa isang creek sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon.

Kilala ang biktima na si Luz Santos Espano, ng Silang, Cavite.

Ayon sa ulat ni Corporal Menervin Castillo ng Silang Police Station, dakong alas-3:40 ng hapon noong Sabado, habang namimitas ng mga gulay si Arwin Maximo Ambrosio nang napansin ang bangkay ng biktima sa tabi ng isang malaking bato sa creek sa Brgy. Puting Kahoy, Silang, Cavite.

Agad niyang ipinagbigay-alam ito sa naka-duty na security guard sa South Forbes na siyang nag-report sa pulisya.

Ayon kay Corporal Castillo, nag-uulyanin na ang biktima at nagtungo sa nasabing creek upang naligo.

“Umuulan din nang mga oras na’yon at malakas ang agos ng tubig kaya hinihinalang natangay ito,” aniya.

Wala namang ano mang palatandaan na pinahirapan o sugat sa katawan ng biktima. (SIGFRED ADSUARA)

173

Related posts

Leave a Comment