BNTV CUP 7-STAG DERBY FINALS

NGAYON (Agosto 15) gaganapin ang 2022 BNTV Cup 7-Stag Derby finals sa Smart Araneta Coliseum.

Tampok ang 150 stags, magsisimula ang derby finals alas-12 ng tanghali.

Ang BNTV Cup ay isang ‘early bird’ edition kung saan ang stags ay inihanda simula ­Oktubre at Nobyembre ng ­nakaraang taon at ini­laban noong Hulyo hanggang ngayong ­buwan.

Suportado ng cockfights ­television program hosts na sina Joey Sy & Eddie Boy Ochoa ng Bakbakan Na, kasama ang magkapatid na Joseph & Peter Chua at Cockfights Magazine publisher Wilvin Sy, ang BNTV Cup ang pasimuno ng hindi ­malilimutang stag fighting events sa bansa mula pa noong bago pumutok ang COVID-19 pandemic. (DENNIS IÑIGO)

344

Related posts

Leave a Comment