2 PULIS NILIKIDA SA SULTAN KUDARAT

DEAD on the spot ang dalawang aktibong miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Barangay Tinumigues, Lambayong, Sultan Kudarat noong Martes ng gabi.

Kinilala ng Sultan Kudarat Police Provincial Office (SKPPO) ang mga biktimang sina Patrolmen Apollo Pagurayan at Joerel Bullos, kapwa nakatalaga sa 1202nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 12 (RMFB 12).

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, sakay ang dalawang biktima ng isang motorsiklo nang tambangan at pagbabarilin ng mga suspek na pinaniniwalaang gumamit ng M16 armalite rifle, habang binabaybay ang Tinumiguis bridge bandang alas-7:00 ng gabi.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng mga suspek, ayon kay Brig. Gen. Alan Manibog, Police Regional Office-12 director.

Ayon kay BGen. Manibog, isa sa mga pangunahing anggulo na kanilang nakikita ay may kaugnayan sa trabaho ng dalawang pulis na parehong nakatalaga para magsagawa ng checkpoint operations sa hangganan ng bayan ng Lambayong at Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur.

Inihayag din ng police official na may ilang “persons of interest” na silang tinutugaygayan kaugnay sa nasabing ambush slaying.

Nabatid na nagsimula nang tintikan ng mga imbestigador ang ilang “persons of interest” sa kaso.

(JESSE RUIZ)

81

Related posts

Leave a Comment