PNP CYBERCRIME GROUP SINALANG SA RANDOM DRUG TEST

INAANTABAYANAN ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group ang magiging resulta ng isinagawang random drug test sa kanilang mga tauhan. 

Kasabay nito ang pagtiyak na may kahaharaping parusa at posibleng kasong administratibo ang sino mang mapatutunayang gumagamit o positibo sa illegal substance.  

Ayon kay Lt. Michelle Sabino, chief PIO ng Anti-Cybercrime Group, ang random drug test ay regular na ginagawa ng PNP sa kanilang hanay kaugnay sa kanilang anti-drug campaign. 

Ayon sa tagapagsalita, “Wala pang nagpa-positive noon. Kung may mag-positive naman may sanction sa kanila.”  

Nitong umaga ng Huwebes, nasa 24 na PNP Cybercrime personnel ang dumaan sa nasabing random drug test. Inaasahang lalabas ang resulta nito sa loob ng 24 oras. 

Umaasa naman ni Lt. Michelle Sabino, na silang lahat ay magnenegatibo sa nasabing drug test. (JESSE KABEL)

216

Related posts

Leave a Comment