KWENTO NG DIALYSIS PATIENT NA TINULUNGAN NG PITMASTER FOUNDATION

SABONG ON AIR NI KA REX CAYANONG

NOONG kasagsagan ng pandemya, maraming nangangailangan ng tulong o ayuda dulot ng krisis.

Halos lahat sila, lalo na ang mga humihingi ng medical assistance ay natulungan ng Pitmaster Foundation, Inc.

Ang Pitmaster ay charity arm ng Pitmaster Live na siyang operator ng e-sabong.

Kaya nang magkaroon ng tigil-operasyon ang larong kinagigiliwan ng mga talpakeros at talpakeras, aba’y naapektuhan din ang foundation.

Nawalan na ng tulong pinansyal ang mga tao, matatanda at ang mga humihingi ng dialysis financial assistance.

Isa lamang ang pamilya ni Nanay Marilyn Salazar sa mga natulungan ng Pitmaster.

Ina siya ng dialysis patient na si Joseph Salazar ng Renal Therapy Solutions, Inc.

Ayon kay Aling Marilyn, malaki ang naitulong sa kanila ng foundation.

Ito na raw kasi mismo ang lumalapit sa kanila at hindi na sila nahihirapang maglakad ng mga dokumento para sa ayuda.

Malaking tulong sa pagpapagamot ng kanyang anak ang assistance mula sa Pitmaster.

Sinabi ni Aling Marilyn na wala siyang trabaho at umaasa lang sa mga anak.

Nasa dalawang taon nang pasyente ng Renal si Joseph kaya’t lalo silang nahihirapan.

“Malaking tulong ang nakukuha [namin noon] sa Pitmaster,” wika ni Aling Marilyn.

At malaking ginhawa aniya sa kanila ang ginagawa ng foundation.

Noong magtigil-operasyon nga ang e-sabong, kung saan-saan na lang sila lumalapit para sa tulong.

“Talagang malaking kawalan ang [tigil-operasyon] ng Pitmaster dahil hindi na nabibigyan ng tulong ang mga tulad namin,” sabi ng ale.

Sana nga raw ay magbalik-operasyon na ang Pitmaster Live dahil talagang nakakatulong ito sa mga mahihirap.

Well, bayang sabungero, maghintay-hintay lang po tayo.

Konting tiis na lang at babalik din ang e-sabong.

Hindi na nga ito magiging katulad ng dati.

Ito’y magiging propesyonal na at kontrolado o regulated ng gobyerno.

Abangan!

212

Related posts

Leave a Comment