OFW MULA KUWAIT HUMINGI NG TULONG SA AMIN

RAPIDO Ni PATRICK TULFO

MAHIRAP ang buhay ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) dahil bukod sa lungkot na dala ng pagkawalay sa kanilang mga mahal sa buhay, madalas na sila ay nahaharap din sa panganib na dala ng ­kanilang trabaho.

Tulad ng reklamong aming inilabas kamakailan lamang sa aming programa na napakikinggan sa istasyong DZME 1530 khz, mula Lunes hanggang ­Biyernes, 10:00-11:30 ng umaga.

Ayon sa salaysay ni Rizalyn Abalos, isang dating OFW na nagtrabaho bilang isang kasambahay sa Kuwait, hindi niya inakala na ang isang vehicular
accident habang kasama niya ang kanyang mga amo, ang ­babago sa buhay niya.

Sa aming panayam dito, ikinuwento niya na nangyari ang malagim na insidente noong June 27/28, 2021 (hindi na niya maalala ang eksaktong araw) nakaupo raw siya sa bandang hulihan ng sasakyan ng mga amo habang binabagtas ang daan nang biglang tumbukin ng isang truck ang likod ng kanilang sinasakyan.

“Nawalan po ako ng ulirat at nang magkamalay, ako po ay nasa ospital na,” ayon kay ­Rizalyn.

Inoperahan sa likod ang biktima at nilagyan ng bakal ang kanyang leeg at bandang gitna ng kanyang spinal column. Siya ang may pinakamalaking pinsala sa mga pasahero ng sasakyan dahil ang puwesto niya mismo ang tinumbok ng truck, ayon daw sa police report.

Nagtagal daw siya ng ilang linggo sa ospital bago nakalabas at matapos nga ang insidente ay hindi na maipihit nang maayos ang kanyang leeg pati na ang katawan dahil sa pinsala. Sinagot naman ng amo ang kanyang pagpapa-ospital at handa rin daw sagutin ng mga ito ang kanyang therapy pero nagdesisyon na lang ayon kay Rizalyn, inaantay pa niya ang pangako ng mga amo na sasagutin ang kanyang ­pagpapa-therapy pero ang ­unang concern sana nito ay ang makukuhang tulong pinansyal mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) pati na ang mula sa Social Security System (SSS) na hindi naman maisaayos dahil sa kawalan ng mga dokumento.

Hindi kasi nakapag-uwi ng mga dokumento si Rizalyn dahil pinoproseso pa ang “insurance claims” ng amo para sa aksidente.

Agad namang tinawagan ng aming staff na si Chen ang ahensiya ni Rizalyn na PhilQ ­Manpower Services upang tulungan itong makakuha ng mga kopya ng police report at medical certificate.

Nangako naman ang naturang ahensiya na magpa-follow-up sila sa amo ng biktima pagbalik nito mula sa bakasyon.

195

Related posts

Leave a Comment