‘BOY BASTOS’ PINATAY SA TAGA

BATANGAS CITY – Dead on the spot ang isang construction worker matapos na tagain ng tatay ng batang babaeng binastos umano ng biktima sa Batangas City noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang napatay na si Ruel Matalog, tubong Catanauan, Quezon at naninirahan sa Brgy. Pangao, Lipa City.

Batay sa report ng Batangas City Police, dakong alas-9:00 ng gabi nang puntahan ng biktima ang kanyang dating asawa sa bahay nito sa Sitio Ibaba, Brgy. Bucal, Batangas City kung saan nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa.

Nakita ito ng suspek na si Honesto Tumanlao, 39, siyang kinakasama sa kasalukuyan ng ginang.

Bunsod ng matagal nang galit ng suspek sa biktima dahil sa ginawa nitong pambabastos umano sa kanyang anak na babae, kumuha ito ng itak at walang sabi-sabing pinagtataga si Matalog na agad nitong ikinamatay.

Kusang-loob na sumuko sa isang barangay official ang suspek na ngayon ay nasa kustodiya na ng Batangas PNP. (NILOU DEL CARMEN)

165

Related posts

Leave a Comment