Apela ng supporters ni Gov. Teves BOSES NG MGA TAGA-NEGROS ORIENTAL IGALANG

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

DAPAT manaig ang boses ng mamamayan sa pamamagitan ng kanilang boto sa piniling lingkod-bayan.

Giit ito ng mga residente sa Negros Oriental na nangangamba na baka manakaw ang kanilang pag-asa sa pamamagitan ng paghadlang sa kanilang niluklok na bagong gobernador sa probinsya.

Palaisipan sa mga taga-Negros Or ang mga kumakalat na balita na posibleng mapaalis sa pwesto ang kanilang ibinotong si Gov. Henry Teves sakaling paboran ng Commission on Elections (Comelec) ang natalong gobernador sa lalawigan.

Ayon sa isang grupo ng mga residente, panggugulo ang pakay ng natalong si Roel Degamo na tila ayaw umanong pakawalan ang Negros Oriental.

“Bakit naman kung kelan napakasaya na ng mga tao dito sa Oriental saka naman bigla nilang hahadlangan. Nais namin ng pagbabago at umangat ang aming probinsya sa pamamagitan ni Gob. Teves. Huwag ito dapat pahintulutan ng Comelec,” pahayag ng isang mangigisda sa lugar na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Matatandaan na si Gov. Teves ay idineklarang panalo noong nakalipas na eleksyon sa pamamagitan ng mataas na kalamangan sa dating gobernador na si Degamo at sa isa pang tumakbo na si Ruel Degamo.

Umaapela ngayon ang mga residente na huwag pahintulutan ang natalong gobernador na muling makaupo, bagkus hayaan na magkaroon ng magandang pagbabago ang Negros Oriental sa pamamagitan ni Teves.

262

Related posts

Leave a Comment