PATULOY ang magandang performance ni 2022 US Open champion Alexandra “Alex” Eala, na muling umakyat sa world rankings.
Si Eala, Southeast Asian Games triple gold medallist, ay tumalon sa ika-252 sa pinakabagong Women’s Tennis Association (WTA) rankings.
Bago ito, ang 17-year old left-handed Pinay ay nasa 280th lang noong Agosto.
Bunga ng kanyang latest feat, napabilang si Eala sa all-time five highest ranking Pilipino tennis players.
Hinigitan din niya ang dating record ni Maricris Fernandez-Gentz, dating No.284 sa mundo.
Ang tatlo pang kasama sa highest world ranked Pinoy netters ay sina Cecil Mamiit, Eric Taino, at Felix Barrientos.
Naabot ni Mamiit ang No.72 sa ATP rankings noong 1999 matapos makapasok sa ikalawang round ng Australian Open at US Open.
Si Taino, 1992 US Open boys doubles champion, ay naging world No.122 noong 2003, at si Barrientos ay naging 180th noong 1991.
Samantala, ang 2022 US Open girls singles champion na si Eala ay nananatiling highest seed sa Southeast Asia.
Malayong sumusunod sa kanya ang 29-anyos na si Peangtarn Plipuech ng Thailand, ranked 342th lang. (ANN ENCARNACION)
259