SEX EDUCATION ‘PATAY’ NA

(BERNARD TAGUINOD)

ITINUTURING ng ilang mambabatas sa Kamara na patay na ang Comprehensive Adolescent Sexuality Education (CASE) matapos magpahayag si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ng pagkontra rito.

Ayon kay Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, hindi na dapat ipilit ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukala dahil pagsasayang lamang ito ng panahon at pera ng bayan.

“If the bill’s objectionable provisions are not removed, this measure is headed for the graveyard. It is DOA (dead on arrival) at the Palace,” ani Rodriguez matapos sabihin ni Marcos na ibe-veto nito ang panukala kapag ipinasa pa rin ito ng Kongreso.

Ang nasabing panukala ay unang pinagtibay sa Kamara noong October 2023 sa ikatlo at huling pagbasa habang nasa committee level pa ng Senado ang kahalintulad na panukala.

Layon ng panukala na magkaroon ng CASE curriculum sa basic education at mapigilan ang pagdami ng teenage pregnancy dahil sa kasalukuyan ay nangunguna ang Pilipinas sa mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pinakamaraming kabataan na edad 14 hanggang 19 na nabubuntis nang wala pa sa panahon.

Itinuturing ni Rodriguez na unconstitutional ang nasabing panukala at nakababahala aniya na sa murang edad ay tututuruan na ang mga kabataan lalo na ang mga elementary student ng ‘masturbation’.

Sinabi naman ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., na hindi lamang saligang batas ang malalabag kapag naging batas ang nasabing panukala kundi ang religious rights ng mga kabataan.

Fake News ‘Yan

Pinalagan naman ni Senador Risa Hontiveros ang aniya’y mga maling impormasyong ipinakakalat kaugnay ng nasabing panukalang batas.

Hindi aniya totoong naglalaman ang inihain niyang Prevention of Adolescent Pregnancy Bill ng pagtuturo ng “masturbation” at “bodily pleasure” sa mga bata.

“Wala pong anomang probisyon sa Prevention of Adolescent Pregnancy Bill tungkol sa pagtuturo o paghikayat ng masturbation sa mga batang edad 0 to 4 years old o yung magtuturo daw diumano ng ‘bodily pleasure’ sa mga batang 6-9 years old o na ituturo din daw sa bata na may ‘sexual rights’ sila,” giit ni Hontiveros.

Nilinaw rin nito na hindi ibabatay sa international standards ang comprehensive sexuality education na ituturo sa mga bata kundi magsisilbing gabay lamang.

Una nang tinuligsa ni Hontiveros ang umano’y pag-atake at pagpapakakalat ng maling impormasyon ng Project Dalisay ukol sa Senate Bill 1979 o panukala na nagsusulong upang labanan ang teenage pregnancy sa bansa.

91

Related posts

Leave a Comment