MAHARLIKA FUND BILL, SA PEBRERO PA MATATALAKAY NG SENADO

POSIBLENG sa Pebrero pa matalakay sa Senado ang panukalang Maharlika Investment Fund.

Ito, ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, ay kahit naprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala.

Ipinaliwanag ni Zubiri na ngayon ay naka-break ang sesyon ng Kongreso at sa kanilang pagbabalik pa sa January 23 maisusumite sa senado ang kopya ng aprubadong bersyon ng Kamara.

Matapos nito ay sasailalim pa ito sa first reading kung saan itatalaga sa kumite ng senado ang panukala, kabilang na dito ang Committee on Banks bilang lead committee, at Committees of Government Owned and Controlled Corporations, Ways and Means, at Finance bilang secondary committees.

Kasunod pa lamang nito maise-schedule para sa committee hearing.

Iginiit ng senate president na nirerespeto nila ang committee system sa mataas na kapulungan at pag aaralan nilang mabuti ang panukala sa mga committee hearings at plenary debates.

Ang bilis anya ng pagpapasa ng panukalang ito ay nakasalalay sa abilidad ng Committee chairman at kalidad ng trabahong mabubuo sa mga pagdinig at debate.(Dang Samson-Garcia)

191

Related posts

Leave a Comment