16 DRAGON BOAT LUMAHOK SA CHINESE NEW YEAR PARADE

MASAYANG masaya ang mga dumalo sa pagdiriwang ng Lunar Chinese New Year ng Year of the Rabbit at sumaksi sa isinagawang Dragon Boat Competition sa ilog Pasig sa Sta. Cruz, Manila nitong umaga ng Linggo.

Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines ng Public Information Office, nagsimula ang paligsahan ng dragon boat bandang alas-9:15 ng umaga.

Nasaksihan ng mahigit 300 indibidwal ang nasabing parada.

Sinimulan ito sa Escolta Ferry Station dakong alas-9:15 ng umaga at inasistehan ni Police Captain Joel Roja ng Meisic Police Station 11 sa Binondo.

Umabot sa 160 participants at 16 bangka ang nakilahok sa Dragon Boat Competition.

Dakong alas-9:00 pa lamang ng umaga nang dagsain ng mga tao ang naturang paligsahan.

Kaugnay nito, iniutos ni MPD Director P/Big. Gen. Andre P. Dizon ang seguridad sa buong area ng Binondo kung saan ipinagdiwang ang buong maghapong selebrasyon.

Ayon sa mga organizer na iba’t ibang non-government organizations (NGOs), bisperas pa lamang ay mayroon na silang fireworks na sinindihan pagsapit ng alas-12:00 ng hatinggabi bilang pagsalubong sa Year of the Rabbit, hanggang kinabukasan ng Linggo.

Aabutin umano ang selebrasyon hanggang gabi mismo ng pagdiriwang.

Dahil dito, 24/7 ang pagbabantay ng mahigit isang libong pulis mula sa NCRPO sa pamumuno ni Regional Director Police Major General Jonnel Estomo. (RENE CRISOSTOMO)

192

Related posts

Leave a Comment