CHINESE DREDGING SHIP SA BATANGAS PINALAYAS NA

lobo batangas12

(NI DAVE MEDINA)

PINAALIS na ng mga ahensya ng pamahalaan sa dagat na sakop ng Lobo, Batangas ang Chinese dredging ship na MV Emerald makaraang kanselahin ng Department of Environment and Natural Resources ang  environmental compliance certificate na inisyu sa dredging ship  MV Emerald na umangkla sa baybaying dagat ng Lobo, Batangas.

Dahil dito, bandang alas-7:00 kahapon ng umaga ay pumalaot palayo ang MV Emerald na pansamantalang nag-angkla sa Batangas Pier.

Kinansela ng DENR ang dredging operation ng MV Emerald makaraang mabigong  makakuha ng  clearance sa Mines and Geosciences Bureau.

Magugunitang kinuwestyon ng mamamayan ng Lobo, Batangas ang presensya ng naturang barko sa pangambang masira ang coral reef at maapektuhan ng hindi maganda ang ecological balance sa naturang lugar.

Tiniyak naman ng tagapagsalita ng Coast Guard na si Capt. Balilo na walang nasirang mga koral sa ilalim ng dagat sa pagkakaangkla ng nasabing barko.

“Wala po kaming kapangyarihan ( sa Coast Guard) na paalisin sila pero nagpa-dive na po kami para malaman kung may nasirang koral..wala po namang nasira..Puro buhangin lamang po ang nandoon,” sabi ni Capt. Balilo.

Ayon kay Capt. Balilo dapat magbayad-pinsala ang management ng naturang Chinese dredging ship kung nagpositibong may mga corals na nasira.

“Kahit na ito buhanginan may corals din. Iyon ay pinagtataguan din ng mga isda, pinanganganakan. Imposible na walang masisira dahil kami ay tapat ng Verde Passage,” sabi Mayor Manalo patungkol sa napakayamang karagatang nakapalibot sa kanila ng lalawigan ng Mindoro.

Binigyan diin ni Mayor Manalo na walang karapatan ang MV Emerald na manatili sa kanilang dagat dahil walang pahintulot ang kanilang local government unit.

“Inutusan ko na noong pang Friday.  Sabi ko, ‘Wala kayong business permit sa akin kaya hindi kayo puwede mag-dredge dito,” sabi ni Mayor Manalo sa panayam.

Nilinaw naman ni Capt. Balilo na hindi puro Chinese national ang nagtatrabaho o crew ng MV Emerald kundi mayroon ding ibang nationality.

Hindi rin aniya direktang Chinese ang barko dahil ito ay rehistrado sa ibang bansa bagaman kinumisyon ng Chinese entrepreneur para sa dredging ng buhangin.
Ilang taon at administrasyong lokal na ang nakausap ng management ng M/V Emerald sa layuning magsagawa ng dredging ng buhangin mula sa naturang lugar upang dalhin sa ibang bansa.

“Inaprubahan ng dating local government ang memorandum of agreement sa barko pero hindi ibig sabihin aprubado na ang kanilang operasyon”, sabi ni Mayor Manalo.

 

176

Related posts

Leave a Comment