INAWAY NI MISIS, MISTER NAGBIGTI

CAVITE – Tinotoo ng isang 57-anyos na lalaki ang bantang magpapakamatay kung hindi sila magkakasundo ng kanyang misis matapos silang magtalo sa kanilang bahay sa bayan ng Silang noong Sabado ng madaling araw.

 

Kinilala ang biktimang si Fortunato Mendoza, ng Calatagan, Batangas.

 

Ayon sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang matagpuan ang biktima na nakabitin sa kisame ng kanyang kubo sa Brgy. Munting Ilog, Silang, Cavite.

 

Ayon sa mga kamag-anak, bago nagpakamatay ang biktima ay nagkaroon umano ito ng mainitang pakikipagtalo sa kanyang misis at nagbantang magpapakamatay kung hindi sila magkakabati. (SIGFRED ADSUARA)

306

Related posts

Leave a Comment