CHINA DAPAT NA RING LUMAYAS SA WPS

DAPAT na ring umalis sa West Philippine Sea (WPS) ang China.

Ito ang iginiit ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez matapos umalis ng mga ito sa 200-mile exclusive economic zone (EEZ) ng Vietnam.

Ayon sa mambabatas, tuluyan nang nilisan ng research ship ng China na Xiang Yang Hong 10 at escort vessels ang territorial water ng Vietnam matapos magprotesta ang nasabing bansa.

“I don’t know what prompted the Chinese to leave Vietnam’s territorial waters, whether it was the Vietnamese protest or the US-China talks. But whatever it was, if they left Vietnam’s EEZ, they should also leave our exclusive economic zone,” ani Rodriguez.

Tulad ng Pilipinas, inaangkin ng China ang territorial water ng Vietnam sa South China Sea na nagiging dahilan ng lumalang tensyon sa rehiyon.

Sinabi ng mambabatas, walang bansa, maliit man o malaki ang basta na lamang umaangkin sa teritoryo ng iba dahil magdudulot lamang ito ng hindi pagkakaunawaan at malalagay sa alanganin ang seguridad.

“The Chinese have no business staying in waters, shoals and islets that belong to us under international law,” dagdag pa ng mambabatas, dahil hanggang ngayon ay marami pa ring Chinese vessels sa WPS.

Inihalintulad ni Rodriguez ang kaso ng Ayungin Shoal at Juan Felipe Reef kung saan may namataang mahigit 100 Chinese Coast Guard at militia vessels sa kabila ng kaliwa’t kanang protestang ihinain ng Pilipinas.

Bukod sa Ayungin Shoal na 120 miles at Juan Felipe Reef na 175 miles ang layo sa Palawan, hindi pa rin umaalis sa Scarborough Shoal na 120 milya lamang ang layo sa Zambales at Pangasinan, ang puwersa ng China.

Dahil dito, dapat umalis na ang China sa ating mga teritoryo dahil ito lamang ang magpapalamig sa tensyon lalo na’t sinabi aniya ni Defense Secretary Gilbert Teodoro ang mga katagang “What is ours is ours,” nang matanong ito hinggil sa WPS. (BERNARD TAGUINOD)

182

Related posts

Leave a Comment