BATANGAS, METRO MANILA INUGA NG 6.2 MAGNITUDE QUAKE

NIYANIG ng Magnitude 6.2 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon, Huwebes ng umaga.

Sa inisyal na impormasyon mula sa Phivolcs, alas-10:19 nang maramdaman ang pagyanig ng lupa.

Ang epicenter ay nasa layong apat na kilometro sa timog kanluran ng Calatagan, Batangas.

Dahil sa lakas ng pagyanig, inasahan ang aftershocks at pinsala na maaari nitong idulot.

Sa Makati, Manila at Quezon City, naglabasan sa matataas na gusali ang ilang empleyado bilang pag-iingat.

May mga nagsuot pa ng safety cap o helmet habang lumilikas.

Maging ang mga empleyado ng Senado ay pinalabas ng gusali matapos maramdaman ang lindol at sinuri muna ng engineering department at Bureau of Fire Protection (BFP) kung may pinsala ang mga opisina bago sila pinabalik pasado alas-11 ng umaga.

Wala namang naitalang anomang pinsala sa ilang mga imprastraktura ang lokal na pamahalaan ng Maynila matapos ang lindol.

Ligtas din ang mga pasyente sa mga ospital.

Pansamantala namang pinatigil ang biyahe ng LRT-1 habang sinusuri ang linya ng riles nito para masigurong walang pinsala.

Nagpadala naman ang NDRRMC ng mga abiso o alerto hinggil sa nasabing malakas na lindol.

(JESSE KABEL RUIZ/RENE CRISOSTOMO)

582

Related posts

Leave a Comment