KUBRADOR, MANANAYA NG EZ2 BINITBIT SA PRESINTO

BUNSOD ng pinaiiral na “No take policy”, sinampolan ng mga tauhan ng Manila Police District – Sta. Ana Police Station 6, ang isang 29-anyos na binata na inaresto habang nangungubra ng EZ2 (lotteng) sa isang mananaya sa Main Street, Paco, Manila noong Martes ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9287 (Illegal Numbers Game) “EZ2 Lotteng” ang mga suspek na sina alyas “Robert” at Jenner, 48-anyos.

Batay sa ulat ni Police Staff Sergeant Alfredo Sunga, team lider ng Sta. Ana Police Station 6, bandang alas-9:20 ng gabi nang madakip ang mga suspek.

Ayon kay Sunga, habang nagsasagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation ang kanyang mga tauhan nang maispatan si Robert na nagpapataya kay Jenner ng lotteng na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito.

(RENE CRISOSTOMO)

309

Related posts

Leave a Comment